FANDOM

2,054,283 Pages

StarIconGreen
LangIcon
Paano Ba Ang Mangarap

This song is by Jennylyn Mercado.

Paano bang mangarap ang isang bigo
Kung ang ligaya'y lalo pang lumalayo?
Kailangan bang matulog nang sakdal-himbing
Tumakas sa mundo at huwag nang magising?

Paano bang mangarap ang isang sawi
Kung ang luha'y kapiling bawat sandali?
Sana'y naituro mo ang dapat kong gawin
Bago tuluyang lumayo sa 'kin

'Di ko na alam muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako'y umasa na lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa

Paano bang mangarap na magbalik
At muling gigisingin pa ng 'yong halik?
Kahit man lang sa huling saglit ng buhay ko
Ang pangarap ba'y magkakatotoo?

Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang iyong puso?
'Di ba't kailanga'y may kaagapay?
Pagmamahal mo ay ang tangi kong buhay

Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang iyong puso?
'Di ba't kailanga'y may kaagapay?
Pagmamahal mo ay ang tangi kong buhay

Paano ba ang mangarap?

External links

Community content is available under Copyright unless otherwise noted.