FANDOM

2,054,169 Pages

StarIconGreen
LangIcon
Kasalanan

This song is by 6cyclemind, features Gloc-9 and appears on the album Project 6cyclemind (2009).

Maari bang makausap ka
'Di na biro ang nararamdaman
Nalungkot sa aking buhay
Mula nang ika'y matauhan

Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

Maari bang mapigilan pa
Ang 'yong 'di maaming binabalak
Nakalimutan na ang pagsasama
'Di na ba kayang mapagbigyan

Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

Patawad ay isang salitang animoy isang parusa
Ito'y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na
At di na maibabalik ang dating pinagsamahan
Parang putik sa mukha na pinahid ng pabalang

Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Habang siya'y bigay nang bigay
At ipinauubaya lahat ng makakabuti
Kahit na pang huling butil ay iaabot sa iyo

Parang ika'y isang inutil na hindi nagiisip
Wala kang nararamdaman
Subukan mang pumikit wala kang natatandaan
Lagi mong inaalala ang para lamang sa'yo
Walang iba kundi ikaw at kailanma'y walang kayo

Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
Ika'y sasaktan at sumisigaw ng salitang pumupunit
Kaysa pilit mong kausapin ay di na sasagot
Akapin man nang mahigpit ay di mo na maabot (Patawad)

Di na mauulit
Di na uulitin
Sana'y tanggapin mo

Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako
Sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

Tayo'y nagtalo't nagsigawan at halos magtulakan
Sa galit ko ako'y lumayas at 'di ka binalikan
Nilimot ang lahat ng pangako at ang pagmamahal
Sumpaan natin sa isa't isa 'di rin nagtagal

Ang gabi ay aking umaga umaga'y aking gabi
Ako'y gumigising hindi ko kilala ang katabi
Paulit-ulit na ganito ngunit nang aking makita larawan mo
Sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko

Hinanap ko ang tunay na sarili ko
Nakita ko, nalaman ko ito ay nasa piling mo
Inipon ang lahat ng aking lakas ng loob
Ngunit bakit parang 'di maganda ang aking kutob

Nilapitan ka at pilit na tinitigan sa mata
Ako'y nagdarasal na sabihin mo saking pwede pa
Ika'y hindi kumikibo at parang lumalayo
Tila pagibig mo sa'kin tuluyan nang natuyo

External links

Community content is available under Copyright unless otherwise noted.